따갈로그어 운전면허 용어 해설집
외국인 운전면허시험 응시자를 위한 도로교통 및 운전에 대한 용어 해설집
Pinakagilid ng kalsada kung saan maaaring dumaan ang mga tao | Sa mga kalsadang walang bangketa, ito ay tumutukoy sa bahagi ng kalsada kung saan minamarkahan ito bilang palatandaan kung saan maaaring dumaan nang ligtas ang mga pedestriyan. |
sasakyang may dalawang gulong | Kadalasan, ang sasakyang ito ay para lamang makasakay ang isa o dalawang tao. Bagamat may mga ganitong uri ng sasakyan kung saan may nakakabit na sidecar (parang tricycle). |
Kalsadang may dalawang lanes na may magkaiba ang direksyon | Kabaligtaran ng daang may isang direksyon lang (one-way street) |
Lane kung saan maaaring magmabilis ang sasakyan (acceleration lane) | Ito ang lane kung saan maaaring magmabilis ang mga sasakyan para makapasok sila sa main road at makisabay sa daloy ng trapiko. |
Kung nakikita o hindi (line of sight) | Ito ay tumutukoy sa inaabot na distansiyang natatanaw ng drayber. |
Dami ng sikat ng araw o ilaw na pumapasok sa loob ng sasakyan (visible light transmittance) | Ito ay tumutukoy sa dami ng sikat ng araw o ilaw na pumapasok sa loob ng sasakyan matapos lagyan ng tint ang mga bintana ng sasakyan. |
shoulder ng kalsada | Ito ang karagdagang lane sa pinakagilid ng highway o kalsadang para sa mga sasakyan lamang (vehicle-only road) kung saan maaaring dumaan ang sasakyan. |
tawiran ng sasakyan sa riles ng tren (railroad crossing) | Lugar kung saan nagsasalubong ang kalsada ng sasakyan at riles ng tren. |
Construction Machinery Act | Ito ang batas na dapat sundin tungkol sa pagpaparehistro, pagpapasuri, pag-aapruba sa porma ng mga makinaryang ginagamit sa construction upang mapaunlad ang mekanisasyon (mechanization) ng construction industry. |
Lisensiya sa Pagpapatakbo ng mga Makinerya sa Construction | Ito ang lisensiyang kailangang kunin ng mga nagnanais magpatakbo o magmaneho ng mga makinaryang ginagamit sa construction industry. |
Babala (warning sign) | Ito ang palatandaang (sign) na ginagamit upang ipaalam ang kasalukuyang panganib o maaaring dumating na panganib sa kalsada. |
light bar | Ito ang uri ng espesyal na ilaw na nakalagay sa mga emergency vehicles na kulay berde, dilaw o iba pa at ginagamit ito para magbigay ng babala sa ibang tao. |
alarm | Ito ang ginagamit na aparato upang magbigay abiso sa mga hindi inaasahang pangyayari gaya ng aksidente, sunog, atbp. |
busina | Aparatong nakakabit sa sasakyan na pinatutunog bilang babala. |
bilis ng pagpapatakbo na makakatipid sa gasolina (economical speed) | Bilis (speed) na kailangan upang patakbuhin ang sasakyan nang hindi gumagamit nang masyadong gasolina. |
highway | Kalsada kung saan maaaring magmabilis nang takbo ang mga sasakyan. |
palatandaan kapag nasiraan ang sasakyan (breakdown vehicle signs) | Palatandaan (sign) na ginagamit upang magbigay bababala na nasiraan ang sasakyan. |
air pressure ng gulong | Dami ng hangin (air pressure) sa loob ng gulong |
free running distance | Ito ang distansiyang inaabot ng sasakayan mula sa puntong inapakan ng drayber ang preno mula sa aktwal na pagkagat ng preno. |
idling | Kondisyon kung saan hindi gumagalaw ang sasakyan subalit umaandar ang makina ng sasakyan sa loob ng mahabang oras. |
humps | Nakaalsang bahagi ng daan para pabagalin ang takbo ng mga dumadaang sasakyan. |
multa (penalty) | Bilang kaparusahan, kailangang magbayad ng sinumang lumabag sa responsibilidad niya bilang drayber. |
interseksyon | Ito ang daan kung saan nagsasalubong sa gitna ang ilang kalsada at dahil dito, may malaking posibilidad na magkabanggaan ang mga sasakyan dito. |
Espesyal na Batas sa Pangangasiwa ng mga Aksidenteng Pantrapiko | Ito ang batas na nagpapatupad ng mga natatanging kriminal na kaparusahan sa mga drayber kapag sila ay nasangkot sa mga aksidenteng pantrapiko (traffic accidents) sanhi ng pagkakamali. |
pagkakakulong | Ito ay tumutukoy sa aktong hinahadlangan ang kalayaan ng nagkasala sa pamamagitan ng paglalagay sa kanya sa loob ng kulungan o pagkakadetain sa kanya sa presinto ng pulis sa loob ng 1 araw hanggang 'di hihigit sa 30 araw. |
hakbangin sa pagsasagip | Akto ng pagsagip sa mga taong napinsala ng aksidenteng pantrapiko. |
International Driver's License | Sistema kung saan ang drayber na nakakuha ng lisensiya mula sa ibang bansa na nagbibigay permiso sa kanya upang magmaneho rin sa ibang bansa. |
bendy bus | Ito ang bus na binuo upang mas maraming tao ang makasakay. Kumpara sa ordinaryong bus, may kahabaan ito at dahil nakukurba (bendable) ang gitnang bahagi nito ay mas madali itong lumiko sa interseksyon. |
mabilis na pagpapatakbo | Biglaang pagtaas ng speed (bilis) ng sasakyan |
biglaang pagtapak sa preno | Biglaang pagpepreno |
biglaang pagpihit sa manibela | Biglaang pagpihit sa manibela |
emergency vehicles | Ito ang mga sasakyang ginagamit para ipatupad ang Batas Trapiko at kung may emergency. Ang halimbawa nito ay ang ambulansiya, trak ng bumbero, sasakyang ng pulis atbp. |
navigator/GPS | Ito ang programa o aparatong tumutulong sa drayber na hanapin ang daan o nagpapakita ng mapa. |
coolant | Tubig na ginagamit upang palamigin ang makina ng sasakyan. |
nose up | Pagtaas ng unahang bahagi ng sasakyan sanhi ng pagpapalit ng balanse ng bigat ng sasakyan / Nose Down: nangyayari ito kapag bumababa ang harapan ng sasakyan at tumataas naman ang likuran ng sasakyan kapag pumepreno. |
elderly protection zone | Lugar na itinalaga para protektahan ang mga matatandang dumadaan sa kalsada. |
no parking zone | Lugar na ipinagbabawal ang pagpaparada. |
limitasyon sa taas ng sasakyan (height limit) | Patakarang nagbabawal sa mga sasakyan at mga trak na may kargamentong dumaan sa isang kalsada kapag mas mataas ang sasakyan nila sa restriksyon (height limit). |
lisensiya sa pagmamaneho ng malalaking sasakyan | Uri ng driver's license na kailangang kuhain ng mga nais magmaneho ng trak, trailer, at iba pang espesyal na sasakyan. |
kalsada | Ito ay tumutukoy sa daan na maaaring gamitin ng mga sasakyan at pedestriyan. |
Batas Trapiko | Binuo ang batas na ito upang pagtibayin ang maayos at ligtas na trapiko. Gayundin upang alisin ang anumang sagabal at panganib sa kalsada. |
Pagsusulit sa Aktwal na Pagmamaneho ng Sasakyan | Pagsusulit para masuri ang kakayahan sa pagmamaneho ng drayber sa aktwal na kalsada sa labas ng driving test center. |
tawiran | Ito ay tumutukoy sa pasilidad na itinalaga para makatawid ang mga pedestriyan mula sa isang kalsada patungo sa isa pa. |
dilemma zone | Kapag kulay dilaw ang ilaw trapiko at ang sasakyan ay papasok na sa interseksyon subalit alanganin na huminto siya. |
towing truck | Sasakyang ginagamit na pansagip sa ibang sasakyan |
limitasyon sa pagkapudpod ng gulong | Pinakamababang estado ng gulong para magamit pa ito bago ito palitan. |
ilegal na pagtawid (jaywalking) | Akto ng pagtawid nang hindi gumagamit ng itinalagang tawiran. |
taillight | Ang ilaw na nakakabit sa likuran ng mga sasakyan. |
bouncing | Pagtalbog ng katawan ng sasakyan kapag nagmamaneho sa daang hindi patag |
maingat na pagmamaneho (defensive driving) | Maingat na pagmamaneho para maiwasan ang anumang posibilidad ng pagkakaroon ng aksidente. |
direction turn signal | Aparatong nakakabit sa sasakyan na naghuhudyat sa pagpapalit ng direksyon ng sasakyan sa pamamagitan ng pagkurap ng ilaw. |
lane na para lang sa bus (bus lane only) | Itinalagang lane para daanan ng mga bus. |
number plate light | Ilaw na ikinakabit sa plaka ng sasakyan para mas madali itong makita. |
bayad sa paglabag (multa) | Parusang kailangang bayaran ng mga lumabag sa batas. |
multa | Parusang kailangang bayaran ng mga lumabag sa patakarang nakasaad sa Batas Trapiko. |
limitasyon sa bilis ng pagpapatakbo ayon sa batas (speed limit) | Limitasyon sa bilis ng pagpapatakbo sangayon sa itinalaga ng batas. |
pagliit ng daan (bottleneck road) | Lugar kung saan kumikipot ang daan. |
bangketa | Daan na ginawa para magamit ng mga pedestriyan bilang daanan. |
General Driver's License | Isa sa mga uri ng lisensiyang maaaring kunin ng mga nais magmaneho ng sasakyan ayon sa Batas Trapiko. |
daanan ng mga pedestriyan (footpath) | Kapareho ng bangketa |
daanan na para lamang sa pedestriyan (pedestrian only lane) | Daanan na ginawa para lamang daanan ng mga pedestriyan |
antifreeze | Uri ng liquid na inihahalo para pababain ang freezing point (hindi basta-basta magyelo) ang tubig ng sasakyan. |
blackbox | Aparatong awtomatikong nagrerekord ng pagmamaneho ng drayber (para itong maliit na camera). |
maaaring kumaliwa (left turn at your own risk) | Sa mga interseksyon na walang naka-install na "left turn signal," subalit pinapayagan ang pagliko pakaliwa, maaaring kumaliwa ang sasakyan sa puntong dumiretso na ang ibang sasakyan kahit na walang hiwalay na senyas para sa pagkaliwa. |
emergency light | Ilaw na binubuksan para magbigay babala sa iba kapag may emergency. |
emergency flashers (hazard) | Ang signal na ito ay parang direction turn signal at maaari itong gamitin kapag may emergency. |
mga bahagi ng kalsadang hindi nakikita ng drayber (blind spots) | Ito ang mga bahagi o anggulo, gaya halimbawa ng mga kalapit na sasakyan o iba pa, na hindi masyadong makita ng drayber dahil sa mga sagabal sa paningin. |
sirena | Kulay pulang ilaw na ikinakabit sa bubong ng sasakyan at nagbibigay ito ng babala tungkol sa emergency. |
manual na sasakyan | Ito ang sasakyan kung saan kinakailangang kontrolin ng drayber ang kambyo ayon sa bilis ng takbo ng sasakyang may nakakabit na transmission. |
hydroplaning | Ito ang nangyayari kapag hindi masyadong kumakapit ang surface ng gulong sa kalsada dahil sa tubig na nasa pagitan ng gulong ng tumatakbong sasakyan at kalsada. |
pagsenyas gamit ang kamay (flag hand signal) | Pagbibigay ng senyales gamit ang kamay o signal bar |
stop line zone | Pook kung saan may nakalagay na linya bilang palatandaan na kailangang tumigil (stop line) |
speed zone | Pook kung saan maaaring bilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. |
spin | Ang pag-ikot-ikot ng sasakyan dahil nadulas ito sa nagyeyelong daan o sa putik. |
kotse | Maliit na sasakyang na maaari lamang magsakay ng iilang katao (hindi lalagpas ng 6 na katao). |
bilang ng taong maaaring sumakay sa sasakyan (seating capacity) | Maximum na bilang ng taong maaaring umupo sa loob ng sasakyan kung ang pamantayan ay 40cm x 40cm na upuan sa bawat isang tao. |
van | Sasakyan na maaaring kargahan ng mga kargamento at maraming taong ang maaaring isakay. |
ilaw trapiko | Isa sa mga aparatong ginagamit upang panatilihin ang kaayusan ng daloy ng trapiko sa pamamagitan ng pagpapalit ng kulay ayon sa kondisyon ng trapiko. |
fog light | Kadalasan, sa mga sasakyan, ito ang ilaw na ikinakabit sa ilalim ng headlights. Madalas itong gamitin kapag umuulan o nagsu-snow, o kapag makapal ang hamog (fog) o kapag hindi maganda ang panahon. |
ligtas na distansiya | Ito ang distansiyang kailangang panatilihin sa pagitan ng sasakyang nasa harapan para kung sakaling biglang huminto ito ay maiwasan ang banggaan. |
ligtas na pook (safety zone) | Bahagi ng kalsada kung saan may marka o palatandaan na ang pook na ito ay para lamang sa mga pedestriyan bilang pangangalaga sa kanila. |
palatandaan ng kaligtasan (safety sign) | Ito ang mga palatandaan (signs) ng kaligtasan na naglalaman ng iba't ibang batas sa kalsada sa pamamagitan ng kulay, hugis, larawan at sulat upang maihatid ito sa mga dumadaan. |
kadiliman | Antas ng kadiliman |
overtake | Lampasan ang sasakyan na nasa unahan at saka lumagay sa harapan nito. |
palatandaan ng pagbibigay-daan (yield) | Isa sa mga uri ng palatandaang pantrapiko (traffic sign) |
palatandaan na maaaring dumaan sa aling daan | Ito ang palatandaan na nagbibigay babala na ang daan ay nagsasanga at maaaring dumaan pakaliwa o pakanan. |
children protection zone (school zone) | Pook, gaya ng kindergarten o paaralan, na itinalaga alinsunod sa Batas Trapiko upang protektahan ang kapakanan ng mga bata. |
air bag | Isa itong aparatong pumuprotekta sa pasahero sakaling mabangga ang sasakyan. |
pagmamaneho ng pabalik | Akto ng pagmamaneho ng kontra sa direksyon ng lane |
gilid ng bangketa | Ito ang ikinakabit na bato bilang palatandaan ng hangganan ng kalsada. Ilan sa mga inilalagay na palatandaan ay ang bangketa, taniman ng puno, atbp. Ang layunin nito ay upang mapanatili ang kaligtasan ng mga naglalakad na pedestriyan, kanal, tulungan ang drayber na malaman ang hangganan ng daanan atbp. |
Student's Driver's License | Ito ang ibinibigay sa mga nakapasa sa pagsusulit para sa pagmamaneho subalit kinakailangang mag-ensayo ng pagmamaneho sa tunay na kalsada. |
daang dapat mauna (through street) | Daan kung saan ang pagpasok/paglabas sa gilid ng interseksyon ay pinapayagan subalit kontrolado ang daloy ng trapiko upang maiwasan ang pagkakaroon ng sagabal sa pinakapangunahing linya ng daloy trapiko. |
right merging traffic | Palatandaan na nagbibigay babala na ang lane sa kanan ay dumudugtong sa isa pang daan. |
pagliko pakanan | Pagliko pakanan |
insurance para sa mga nagmamaneho | Insurance na ang cover lang ay ang nagmamaneho kahit pa napinsala 'di lamang ang drayber kundi gayundin ang mga sakay nitong pasahero nang maaksidente sila sa kalsada. |
tachograph | Aparatong nagrerekord ng kondisyon ng sasakyan at inabot nitong distansiya. |
bisikletang de-motor | Ito ay tumutukoy sa bisikletang pinatatakbo gamit ang maliit na makina o motor (may engine displacement na 50cc pababa) na nakakabit dito. |
pagmamaneho nang lasing | Akto ng pagmamaneho habang nakainom ng anak. |
sasakyang may dalawang gulong | Sasakyang may dalawang gulong, at hindi kabilang dito ang malalaking special vehicles at maliliit na special vehicles, at ang kabuuang engine displacement nito ay 125cc pataas. |
eskinita | Kalsadang may lapad na hindi hihigit sa 9m at matatagpuan ito sa mga may bahayan (residential areas). |
abnormal na klima | Ito ang pagbabago ng klima sanhi ng global warming kung saan nakakaranas tayo ng pagbaha, tagtuyot, sobrang kainitan, sobrang kalamigan (cold wave) atbp. |
pansamantalang paghinto | Kapag ang pag-ikot ng gulong ng sasakyan ay pansamantalang huminto. |
sasakyang automatic | Ito ang sasakyan na awtomatikong nagbabago ang gear sangayon sa bilis ng takbo ng sasakyan o RPM ng makina. |
Batas sa Pangangasiwa ng mga Sasakyan | Ito ang batas na namamahala sa pagpaparehistro ng sasakyan, pagtatalaga ng mga pamantayan sa kaligtasan, pagtatama ng mga nakikitang depekto, pagsusuri ng mga sasakyan, pagsasaayos at pangangasiwa ng mga sasakyan. |
daanan para lang sa mga sasakyan (vehicle-only road) | Itinalagang kalsada na para lamang daanan ng mga sasakyan. |
Pagsusulit sa Pagmamaneho ng Sasakyan (sa loob ng driving test center) | Uri ng pagsusulit para sa pagmamaneho kung saan kinakailangang magmaneho ng estudyante sa loob ng driving test center. |
jackknife | Nangyayari ito kapag nawalan ng kontrol ang sasakyan at gumegewang ito pakaliwa't kanan. |
low-floor bus | Ito ang bus na may nakakabit na slant board sa pasukan ng bus imbes na hagdanan at mas mababa ang sahig ng bus upang madali at ligtas na makasakay ang mga may kapansanan kahit hindi sila tulungan ng ibang tao. |
headlight | Ito ang ilaw na ikinakabit sa harapan ng sasakayan o motorsiklo at ginagamit ito kapag nagmamaneho nang gabi. |
flashers | Signal lights na kumukurap para magbigay babala. |
ground contact area | Surface ng gulong o track na lumalapat sa surface ng kalsada |
regular aptitude test | Ito ang regular na pagsusuring kailangang gawin ng drayber upang masiguradong karapatdapat ang drayber na humawak ng lisensiya sa pagmamaneho. |
pagmamaneho sa parehong bilis (cruising) | Akto ng pagmamaneho sa pareho (constant) na bilis. |
stopping distance | Ito ang distansiyang inaabot ng sasakyan mula sa puntong naramdaman ng drayber ang panganib hanggang sa puntong tumigil na ang sasakyan. (Ito ang kabuuan ng free running distance at braking distance) |
stop line | Ito ang palatandaang nakaguhit sa mismong kalsada na nagsasabi kung saan dapat huminto ang mga sasakyan kapag kulay pula ang ilaw trapiko. |
paghinto | Akto ng pagtigil ng sasakyan |
Level 2 Driver's License | Lisensiya sa pagmamaneho ng ordinaryong sasakyan o maliit na sasakyan o ng bisikletang de-motor. |
braking distance | Ito ay tumutukoy sa distansiyang tinakbo ng sasakyan mula sa pagkagat ng preno hanggang sa tuluyang huminto ang sasakyan. |
stop lamp | Ito ang kulay pulang ilaw sa likod ng sasakyan at umiilaw ito kapag tinapakan ang preno upang magbigay babala sa mga kasunod na sasakyan. |
maximum speed limit | Pinapayagang pinakamabilis na pagpapatakbo. |
antas ng pagmamaniobra ng sasakyan (maneuverability) | Antas ng pagpapalit ng direksyon |
pahingahan para sa mga drayber (rest stop) | Pasilidad kung saan maaaring magpahinga ang mga nagmamaneho |
Comprehensive Insurance | Uri ng insurance kung saan covered nito ang mga napinsalang biktima, sangkot sa aksidente at pati na rin ang ari-arian. |
palatandaan sa pagliko pakaliwa o pakanan | Palatandaan na nagbibigay babala na maaaring kumaliwa o kumanan |
sinturong pangkaligtasan (seatbelt) | Isa itong aparatong dinisenyo upang protektahan ang drayber at mga pasahero sa impact sakaling mabangga ang sasakyan. |
linya para sa mga kakaliwang sasakyan | Linyang gumagabay sa daloy trapikong pakaliwa |
pagdaan sa kaliwa | Pagmamaneho sa kaliwang bahagi ng kalsada |
left merging lane | Palatandaan na nagbibigay babala na ang lane sa kaliwa ay dumudugtong sa isa pang daan. |
bawal kumaliwa | Palatandaang nagbibigay babala na bawal lumiko pakaliwa para sa mas maayos na daloy ng trapiko. |
bawal huminto o pumarada | Palatandaang nagbibigay babala na bawal ang paghinto o pagpaparada ng sasakyan sa pook na iyon. |
paradahan | Akto ng pagpaparada ng sasakyan. |
center of gravity | Ang distansiya mula sa surface ng gulong na nakalapat sa surface ng kalsada hanggang sa pinakagitna ng sasakyan. |
median | Itinalagang pook sa kalagitnaan ng kalsada para paghiwalayin ang daloy ng trapiko. |
centerline | Inilalagay na solid o putol-putol na dilaw na linya sa gitna ng daan bilang palatandaan sa direksyong babagtasin ng mga sasakyan. |
summary judgement | Pag-uusig para sa mga nagkamit ng maliit na pagkakasala. |
evaporation phenomenon | Ito ang pangyayari kung saan ang paningin ng drayber ay nababawasan sanhi ng pagkasilaw dahil sa headlight ng kasalubong na sasakyan. |
forklift | Makinaryang na ginagamit sa paghawak at pagsasakay ng mga paleta. |
bawal dumaan | Palatandaang nagbabawal sa pagdaan sa nasabing lugar. |
distansiya sa pagitan ng mga sasakyan | Ang distansiya ng dalawang sasakyang magkasunod na tumatakbo sa isang lane. Ito ang distansiya mula sa likod ng sasakyang nasa unahan at ng harapan ng sasakyang nasa likuran. |
harang sa riles ng tren | Aparatong nagkokontrol sa pagdaan ng mga sasakyan sa riles ng tren (railway crossing) |
daanan ng sasakyan (driveway) | Bahagi ng kalsada kung saan maaaring dumaan ang anumang klase ng sasakyan. |
lane | Bahagi ng kalsadang namamarkahan ng mga linya kung saan maaaring dumaan ang mga sasakyan sa isang single line |
sasakyan | Ito ay tumutukoy sa mga sasakyang de-motor, makinaryang ginagamit sa construction, bisikletang de-motor, tinutulak na bisikleta, at transportasyong kailangang paandarin ng tao o hayop |
sidelight | Ito ang ilaw sa gilid ng sasakyan upang ipaalam sa iba ang kanyang pagdaan lalo na kapag nagmamaneho ng gabi |
Liability Insurance | Mandatoryong insurance na kailangang kunin ng drayber. Saklaw nito ang pagbabayad ng pinakamababang danyos perwisyo (compesation) sa biktima ng aksidenteng pantrapiko. |
tawiran ng mga sasakyan sa riles ng tren (railroad crossing) | Interseksyon ng riles ng tren at ng kalsada ng sasakyan |
pinakamabilis na takbo (maximum speed) | Pinapayagang pinakamabilis na pagpapatakbo ng sasakyan sa kalsada. |
pinakamagal na takbo (minimum speed) | Pinapayagang pinakamabagal na pagpapatakbo ng sasakyan sa kalsada. |
banggaan (bumper to bumper) | Pagbangga ng sasakyan sa likod ng sasakyan sa unahan. |
wheelbase | Ang distansiya sa pagitan ng gulong sa unahan at gulong sa likuran ng sasakyan. |
gilid ng sasakyan | Ang sasakyang nakakabit sa sasakyang may dalawang gulong. |
kapit ng gulong sa kalsada | Cohesion (kapit) ng gulong sa surface ng kalsada. |
Special Driver's License | Uri ng lisensiyang kailangan para makapagmaneho ng espesyal na sasakyan (hal. Trailer) |
espesyal na sasakyan | Uri ng sasakyang may natatanging istraktura |
tinting | Uri ng film na idinidikit sa salamin ng sasakyan para sa privacy at UV ray blocking |
fading phenomenon | Nangyayari ito kapag hindi kumagat ang preno ng sasakyang mabilis ang takbo |
smoke detectors | Ito ang aparatong may transmitter at nagbibigay ito ng babala sakaling may apoy sa pamamagitan ng pagtunog |
rotonda | Isang uri ng interseksyon |
tawiran | Bahagi ng daan na inilaan para lamang sa mga pagdaan ng pedestriyan at ito ay minamarkahan ng mga palatandaang pangkaligtasan at marka sa surface ng kalsada. |
rearview mirror | Salamin na nakakabit sa harapan ng upuan ng drayber upang makita niya ang galaw ng mga sasakyan sa likod. |
'생활정보' 카테고리의 다른 글
[생활정보] 울산시 동구 사회적기업 현황 (2015.08.31) (0) | 2016.05.17 |
---|---|
[생활정보] 2016년 국립국악원 생산 자료 (4월) (0) | 2016.05.17 |
[생활정보] 태국어 운전면허 용어 해설집 (0) | 2016.05.16 |
[생활정보] 일본어 운전면허 용어 해설집 (0) | 2016.05.16 |
[생활정보] 베트남어 운전면허 용어 해설집 (0) | 2016.05.16 |